Trese anyos na Pinay panalo sa Canberra GovHack 2020 Challenge

Filipina High Schooler wins Canberra GovHack 2020 Challenge

Filipina High Schooler wins Canberra GovHack 2020 Challenge Source: Manny Diaz

Panalo sa Canberra GovHack 2020 Challenge na ginanap nitong Agosto ang trese anyos na Pinay na si Marielle Diaz.


Highlights
  • Panalo sa GovHack 2020 Challange ang Pinay na si Marielle Diaz
  • Si Marielle Diaz ay nagsimulang magka-interes sa IT sa edad na sais anyos
  • Siya ay anak ng isang IT professional
Si Marielle Diaz ay isang Year 7 student sa Cheltenham Girls High School sa Sydney.

Nanalo ang grupo ni Diaz sa Canberra Bouncing Back challenge na sponsored ng Australian Capital Territory Government sa ngayong taong GovHack.

Ang GovHack ay isang international competition para sa lahat ng may abilidad na nagnanais mapabuti ang mundo sa pamamagitan ng open data.

Libo-libong tao ang sumali sa sinasabing world's largest open data competition sa gitna ng COVID-19. 

Idinaos ang nasabing kaganapan digitally at inanunsyo ang mga nanalo nito lamang Setyembre sa YouTube.

Listen to  SBS Filipino  10am-11am daily

Follow us on  Facebook  for more stories


Share