Pagpasok ng malalaking food franchise tulad ng Jollibee, Goldilocks, Max's at Bibingkinitan sa Australia, naurong dahil sa pandemya

Opening of Philippine fast food chain jollibee, goldilocks, bibingkinitan and Max's in Australia halted by covid-19 crisis

Covid-19 halts entering of some Philippine brands and fast food chain like Jollibee, Goldilocks, Bibingkinitan and Max's in Australia Source: SBS Filipino

Apektado ng pandemya ang pagpasok ng mga paboritong fast food chains, restaurants at bilihan ng pasalubong na hinihintay ng mga Pilipino sa Australia.


Highlights
  • Mas maraming negosyo sa Pilipinas ang nagbabalak mag-expand sa ibang bansa para magpatuloy ang operasyon sa kabila ng pandemic
  • In demand ang mga trabaho sa ilalim ng industriya ng IT-BPM (Business Process Management)
  • Pinapalakas ang mga programang nagpapakilala sa mga negosyo, produkto at pagkaing Pinoy
Sa kabila ng mga pagsubok sa ekonomiya, kumpyansa ang sektor ng kalakalan ng Pilipinas na patuloy itong makaka engganyo ng maraming negosyo at investor sa bansa. 

Patuloy din ang paghikayat nila sa Australian market na subukan ang mga produkto at serbisyo mula sa Pilipinas. 


 

 

Ayon kay Consul Commercial Alma Argayoso, ginagawan nila ng paraan na makapasok sa Australia ang mga kilalang fast food chain sa Pilipinas at ibang brands tulad ng Jollibee, Goldilocks, Max's at Bibingkinitan.

Nakatakdang dumating ngayong taon dito sa Australia ang mga nasabing brands pero naurong umano ito dahil sa pandemya. Sa ngayon ay di pa masabi kung kailan ito maiisakatuparan.

"We continue to negotiate in behalf of the businesses, we continue to look for possible partners for them and opportunities for these brands to really open in Australia"

 


Share