Musika kumpara sa nursing: 'The fulfilment that you feel working in aged care, means a lot to me'

Mayumi Morales

Mayumi loves performing, but sees her work at the aged care sector as an indescribable fulfillment. Source: Mayumi Burns Facebook

Bagaman may takot dahil sa epekto na dulot ng pandemya, pursigido pa ring magpatuloy na magtrabaho sa industriya ng aged care ang mang-aawit na si Mayumi Morales-Burns.


Kahit alam niyang buhay niya ang musika, hindi nakikita ng singer/performer ang sarili na iiwan ang kanyang trabaho bilang isang assistant nurse sa isang aged care facility sa nalalapit na panahon.

"I actually love my job, I love singing as well. But the fulfillment that you feel working in aged care, it means a lot to me," anang singer na mas kilala sa pangalang Mayumi Morales.


 

Mga highlight

  • Labis na sinubok ng pandemya ang industriya ng nursing, lalo na ang aged care.
  • Anuman ang hamon na kinakaharap ng mga nagta-trabaho sa aged care, tuloy lang ang laban.
  • Para sa assistant nurse na si Mayumi Morales, pasasalamat pa rin dahil siya'y may trabaho para masustentuhan ang mga pangangailangan. 

 

Tuloy ang pagkanta at pangangalaga

Hangad ni Morales-Burns na maging isang sikat na opera singer sa hinaharap. Pero masaya pa rin siya na magpatuloy sa industriya ng pangangalaga.

"If I ever take a career in singing, I would still try to work in aged care if I can. Maybe cut my days or my hours (in the aged care) but still keep in touch with the health field," dagdag niya.
Mayumi Morales
Coming from a family who loves music, Mayumi has always loved singing and performing. Source: Mayumi Burns Facebook

Nalampasan ang nakakatakot na hamon na dala ng pandemya

Sa gitna ng pandemya, medyo nahirapan ang assistant nurse mula Western Australia na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagta-trabaho dahil sa mga naging epekto ng coronavirus sa aged care at maging sa kanyang pag-aaral.

“It’s scary time for everyone. There was fear especially (I was working in)  aged care so I have to really protect myself and my clients as well," pagbabahagi ng assistant nurse mula Western Australia.

Naging malaking hamon sa kanya ang mga pagbabago dahil sa pandemya.

"It was heartbreaking. During my studies I was feeling anxious and I had a thought of giving up the course. I know it’s the last year (of my studies), but it was a bit difficult for me. And we all had our classes online and I didn’t know how I would go on.".

Pasalamat sa industriya ng nursing

Ngunit, malaki ang pasalamat ni Morales sa kanyang trabaho sa aged care dahil bukod sa ito ang tumulong sa kanya na masustentuhan ang kanyang pag-aaral, malaki din ang suportang moral na ibinigay ng mga katrabaho.

"I’m very grateful for my job. It sustained me especially with  my studies".
Mayumi Morales
Mayumi Morales (in purplish dress) with her husband, Brian Burns and her parents and parents-in-law after her final recital for her Bachelor of Music degree. Source: Supplied by Mayumi Morales
Mag-iisang buwan na mula nang magtapos sa kanyang kursong Bachelor of Music.

Bukod sa musika at nursing, abala rin si Morales sa pagiging isang bagong asawa. Taong 2018 sila nagpakasal ng kanyang asawang si Brian Burns. At sa taong 2021, umaasa ang dalawa na mabuntis at masimulan ang kanilang sarili munting pamilya.
Mayumi Morales
Mayumi Morales-Burns and husband, Brian Burns Source: Supplied by Mayumi Morales


BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share