Mga batang Australyano, pangarap makabili ng sariling bahay

Buying a house seemed like an unrealistic dream for many young Australians at the start of last year.

Source: Getty Images

Ang pagbili ng bahay ay tila isang mahirap abutin na pangarap para sa maraming mga batang Australyano sa simula ng nakaraang taon. Ngunit pagkatapos tumama ang pandemya, mas pinag-tuonan ng pansin ng ilan ang pag-iimpok ng pera.


Ang pagtitipid ay isang habit na nais mapanatili ng 70 porsyentong kabataang Australyano ayon sa bagong pagsasaliksik mula sa Mortgage choice.

Nalaman din sa survey, na halos 45 porsyento ng mga batang Australyano ang mas malamang na nais na bumili ng bahay ngayon.


Highlights 

  • Pagkatapos tumama ang pandemya, mas pinag-tuonan ng pansin ng ilan ang pag-iimpok ng pera

  • Naging hudyat din ito sa ilan upang magkaroon ng pag-asa para sa mga nais bumili ng bahay

  • Tumaas ang mga presyo ng bahay sa bawat kabisera ng state nitong mga nakaraang buwan maliban sa Melbourne
Samantala, Binalaan ng senior economist na si Andrew Wilson ang mga first home buyers na kailangang kumilos ngayon upang masulit ang pagkakataon.

"As prices rise they typically rise at a faster rate than first home buyers can save their deposits so I think we’ve seen an acceleration in first home buyer activity because of the prospects and the fear of higher prices this year in most capital city markets."

Tumaas ang mga presyo ng bahay sa bawat kabisera ng state nitong mga nakaraang buwan maliban sa Melbourne.


Share