Davao city, makakatanggap ng unang dose ng Pfizer BioNtech vaccine sa Pebrero

Picture shows illustration for the coronavirus vaccine

A Covid-19 vaccine being developed by Pfizer and Germanys BioNTech has been found to be more than 90 per cent effective Source: Igor Kralj/PIXSELL/AAP

Layunin ng lokal na pamahalaan ng Davao na mabakunahan ang nasa 1.2 Million na residente para magkaroon ng herd immunity sa virus.


Inanunsyo ni Dr Ashley Lopez ng City Health Office ng Davao City na makakatanggap ng initial dose ng Pfizer BioNtech COVID-19 vaccines mula sa National government ang LGU sa susunod na buwan.

Ayon kay Lopez, inihahanda na ng lokal na gobyerno ang logisitical support, partikular na ang storage facilities na may kakayanan na suportahan ang negative seventy degree Celcius (-70) na kailangan ng vaccines upang mapanatili ang "efficacy" nito.

 


 Highlights

  • Southeastern Mindanao, niyanig ng 7.1 magnitude na lindol
  • Probinsya ng Agusan Del Sur, may sarili nang COVID 19 laboratory testing
  • Pitong miyembro ng AFP, patay matapos bumagsak ang isang chopper sa Bukidnon

 Sa ngayon ay walang pang ibinibigay na detalye kung ilang dose ang ibibigay sa Davao City pero sinabi ni Lopez na prayoridad ang mga frontliners sa Southern Philippines Medical Center na siyang center ng isolation sa rehiyon.


Priority rin ang mga health professionals sa pribadong ospital.

Inaasahan naman na sa unang quarter ng taon ay maibibigay na ng Astrazenica pharmaceuticals ang unang batch ng COVID 19 vaccines-base sa agreement na pinirmahan nito kasama ang Davao City LGU at Philippine national government.

Southeastern Mindanao, niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng 7.1 magnitude na lindol ang malaking parte ng Mindanao Huwebes ng gabi. Base sa datos ng PhilVocs, ang epicenter ng lindol ay nasa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Bukod sa nasabing area, intensity five ang naramdaman sa General Santos City at Saranggani Province.

Sa lakas ng lindol, agad na naglabasan ang mga tao sa loob ng isang mall sa Gensan. Nagkaroon rin ng panandaliang power interruption dahil sa nasirang transformer.

Sa Davao City kung saan naramdaman ang Intensity Four ay may mga naitalang minor damages. Isa dyan ang Matina Crossing Pedestrian overpass na nakitaan ng malalaking cracks sa ilalim ng hagdanan nito.

Pansamantala muna itong isinara sa publiko dahil isasailalim pa raw ito sa masusing inspeksyon.

Ayon kay CDRRMO Chief Alfredo Baloran, may minor damages rin sa iba pang gusali.
Wala namang naitalang sugatan o stampede dahil sa nasabing pagyanig. 

Listen to SBS Filipino from 10am - 11am daily

Like and Follow us on Facebook for more stories




Share