600,000 doses ng Sinovac vaccine mula China, dumating na sa Pilipinas

 600,000 doses of Sinovac coronavirus vaccine arrived in the Philippines

Chinese military plane preparing to offload the crates of Covid-19 vaccine CoronaVac (SINOVAC) at Villamor Air Base Source: KING RODRIGUEZ/ PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE PH

Hudyat ng pagsisimula ng national immunization program ng Pilipinas ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccine na donasyon mula sa China


Dumating ngayong Linggo ang kauna-unahang batch ng mga bakuna sa COVID-19 sa Pilipinas na CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac

Personal na inispeksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang iba pang opisyal tulad nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, ang crates ng mga donasyong bakuna.

Dadalhin ang mga bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.

Inaasahang magiging abala ang pasilidad sa pag-proseso ng mga bakuna para ma-deploy sa COVID-19 priority hospitals, na magsasagawa ng vaccination rollout ngayong Lunes.

Kasunod na dadating ngayong Lunes ang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines galing sa COVAX Facility ng World Health Organization.


Share