Pagpapaturok ng COVID-19 vaccine sa Australya

NSW Premier Gladys Berejiklian watches a radiographer get his first COVID vaccination

NSW Premier Gladys Berejiklian watches a radiographer get his first COVID vaccination Source: AAP

Milyon-milyong Australyano ang naghihintay mabakunahan kontra COVID-19. Paano ba malaman kung oras na ng iyong bakuna?


Highlights
  • Mahigit 4600 GP ang ngayon ay aprubado na magturok ng bakuna sa phase 1b
  • Sa mga walang GP, maglalabas ang department of health ng mga listahan ng mga COVID-19 vaccination clinics upang makahanap ka ng malapit na klinika sa iyong lugar
  • Accessible ang bakuna sa lahat ng mga Australyano at hindi na kinakailangan ang medicare upang makapagpaturok
Ang pagbabakuna sa Australya ay ibibigay sa limang priority stages, mauuna dito ang mga high risk group.

Kung hindi mo pa alam kung saang kategorya ka, maaring iaccess ito sa eligibility checker na makikita sa website ng gobyerno online.

Sa eligibilty checker, may ilang tanong ang dapat sagutin tulad na lamang ng iyong edad, estado ng kaulusugan at trabaho. Pagkatapos nito, lalabas kung saang phase at kung kelan magsisimula ang pagbabakuna para sa iyong phase.

Listen to  SBS Filipino  10am-11am daily

Follow us on  Facebook  for more stories




Share