Ilang Filipino shop owners, nangangamba sa pagsulpot ng higanteng kakumpetensya sa pagtitinda ng Pinoy food products

Filipino shops and retail stores are worried for bigger supermarket competition

Source: Pexels

Aminado ang ilang negosyante na hindi nila kayang makipagsabayan sa presyo ng paninda sa mga higanteng supermarket kaya umaasa sila sa suporta at pagtangkilik ng mga kapwa Pilipino


Highlights
  • Pagtaas ng demand ng Filipino ingredients ang rason sa paglago ng mga Filipino shops
  • Maliliit na negosyante, nangagambang malugi dahil sa pagtaas ng kumpetisyon
  • Paghingi ng apila ng mga may ari ng Filipino shops sa embahada ng Pilipinas dito sa Australia
Ang pagkamiss sa mga pagkaing pinoy ang nagtulak sa Filipinang si Vicky Ogilvie para magbukas ng isang Filipino grocery store sa Mackay. Kahit matagal nang naninirahan sa Australia pagkaing Pilipino pa rin ang gusto ng kanyang panlasa.

Dagdag pa sa nagpalakas ng kanyang loob ay ang pagdami ng pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Mackay. Tiyak daw kasi na may bibili  ng kanyang paninda.

Sa ngayon kasi ay tatlo lamang ang Filipino grocery store doon.

Pero isang araw, habang naglalakad sa loob ng isang malaking grocery store sa isang mall nagulat siya sa isang estante, nakahilera ang iba't ibang klase ng produktong pinoy.

May sardinas, may toyo, suka, patis, spaghetti sauce, mga tsitsirya at iba pa. Napahawak daw siya sa kanyang dibdib at hindi maiwasang mag- alala dahil may posibilidad na ang mga produktong kaharap niya ngayon ay siyang unti unti papatay sa kanyang maliit na negosyo.

"My business will be dead. I can’t compete with giant company like Woollies because they get directly to the manufacturer, but as a small business we just get to the small supplier we cannot compete to the price" ayon kay Vickie

Hanggang ngayon hindi pa rin daw sya nakakabawi mula noong isang taon dahil naman sa pandemya, ngayon naman dinagdagan pa ng isa pang isipin.

"My sales went down to 30%, but until now its down more than that. It didn’t went back sinced last year. I'm thinking to close it now" dagdag niya.

Baka kasi hindi na siya makabayad ng renta sa inuupahang pwesto, kasama pa ang sari saring bayarin.

Aminado din sila na hindi nila kayang makipag sabayan sa presyo dahil hindi sila direktang umaangkat ng produkto sa manufacturer kundi sa maliliit din lamang na mga supplier. Siyempre kailangan nilang patungan ang presyo para kahit paano ay tumubo.

Pero may iba namang negosyante na positibo pa rin ang tingin kahit may naka- ambang higanteng kakumpetensya. Tiwala daw siya sa kanyang mga suki. Bukod kasi sa kumpleto na halos ang kanyang mga paninda, nakabuo na rin ang iba ng pagkakaibigan at pagdadamayan sa oras ng problema na hindi mo makikita sa ibang mga tindahan. Ika nga only Pinoy.

"Sa kabayan kasi lahat nadoon na, sadyain ko talaga kapag marami akong bibilhin kasi lagi ako bumibili ng mga steamed saba mga saging, yun  binibili ko wala naman kasi sa Woollies." ayon kay Kokie Larsen

Ayon naman sa mamimiling si Juvy Baldwin "Support local Filipino product at negosyante hindi yung malalaki na supermarket"

Aminado naman ang ibang konsumer na mas maalwan ang mamili sa mall lalo na kung naroon ng lahat ang kailangan produktong Pilipino, pero naniniwala ang consumer na si Jing na ‘hindi gaanong maapektuahan ang mga Asian shop sa bansa.

"Tingin ko naman hindi sila malulugi kasi limited pa lang naman ang mga  ang pinoprovide ng Woollies"

Sa kabila nito, nag iisip na ng ibang paraan ang mga filipino bussiness owners, plano nilang sumulat sa embahada ng Pilipinas para humingi ng tulong at mapag-usapan ang isyu. Hindi naman daw masamang magnegosyo hiling lang nila na sana kapain din ng malalaking kumpanya ang sitwasyon ng mga tulad nilang maliliit na negosyante.

 ALSO READ/LISTEN TO

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily


Like and follow us on Facebook for more stories



Share