Maliliit na negosyante at manggagawa sa Pilipinas umaaray sa pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemya

A fan vendor (C) walks past citizens queueing to receive financial aid as part of a government program for families affected by the COVID-19 lockdown measures

Affected citizens risked coming out to queue at financial aid centers and created physical distancing problems for authorities conducting the cash distribution Source: AAP

Dumarami na ang mga negosyong nagsasara dahil sa magkakasunod na lockdown at matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya


Highlights
  • Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya
  • Naapektuhan din ang mga maliliit na negosyo dahil sa sa mga ipanapatupad na lockdown
  • Davao City LGU nakatutok sa surveillance swabbing at contact tracing para maagapan ang pagkalat ng virus
Ang Matina Town Square na kilala dahil sa mga sikat na restaurant at bar sa compound napakatahimik na ngayon dahil iilan na lamang dito ang nag-ooperate. 

Sa mga malls, maraming food stalls na rin ang nalugi kaya mas pinili nalang na huminto sa pagtitinda.


Isa sa mga negosyanteng apektado ng pandemya si Rose Grapa, may ari ng isang maliit na kainan sa Talomo District. Aniya, nasa P500 lamang ang kanilang kita kada araw  kaya lugi sa sampung libong pisong renta sa pwesto kada buwan, tubig, kuryente at sweldo sa mga trabahante.

Bukod raw kasi sa limitado lang ang pinapayagang makapag-dine in sa mga kainan, malaki rin daw ang epekto ng curfew hours.

Ang empleyado naman ng isang salon na si Christine Roxas, araw-araw nakikipagsapalaran sa pagbibiyahe at pagharap sa iba't-ibang customer.

May dalawa siyang anak kaya kailangan raw niyang magdoble-ingat ngayong pandemya.

Hirap man sa pagsusuot ng face mask at face shield sa loob ng sampung oras kada araw, kailangan niyang magtiis huwag lang mahawa sa COVID-19.

Ang kita niya na Php400 kada araw, kailangang pagkasyahin sa gastos ng buong pamilya.

Nawalan kasi ng trabaho ang asawa na dating empleyado sa isang fastfood chain na nagsara rin.

Hindi magpapatupad ng lockdown sa Davao

Kaya naman sa kabila ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa National Capital Region at Cebu, hindi magpapatupad ng lockdown si Davao City mayor Sara Duterte.

Aniya, napakalaki ng epekto ng pandemya sa economic lifelines ng Davao kaya hangga't maari ay hindi sila magpapatupad ng lockdown.

Surveillance swabbing at contact tracing ang tinututukan ng LGU ngayon upang agad na maagapan ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon, napapanatili ng LGU ang mababang active cases ng COVID19 sa syudad. Sa huling tala ng DOH, nasa 340 na lang ang kinokonsiderang aktibong kaso.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories


Share