Santacruzan at ika-500 taon ng Kristiyanismo, idadaos sa Adelaide

Filipino Catholic Pastoral Support Committee

Filipino Catholic Pastoral Support Committee Source: Filipino Catholic Pastoral Support Committee

Nagbabalak ang Filipino Catholic Pastoral Support Committee sa Adelaide na magdaos ng Santacruzan at selebrasyon ng ika limang daang taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.


Idadaos sa ika-29 ng Mayo sa simbahan ng Mater Christi sa Seaton, Adelaide ang selebrasyon.

Ang pagdaraos ay pangungunahan ng misa ng alas dos sa araw na iyon at hinihimok ang mga grupo sa komunidad Pilipino na makisali sa nasabing kaganapan.

 


Highlights 

  • Ang Santacruzan ay isang fund-raising campaign
  • Bente porsyento sa ma-kokolektang halaga ng bawat grupo ay maibabalik sa grupo
  • Ang may pinakamataas na halagang nakolekta ay siyang mananalo ng pagka Reyna Elena 

Listen to SBS Filipino from 10am - 11am daily

Like and Follow us on Facebook for more stories


Share