Community pantry sa Pilipinas, muling bumuhay sa bayanihan sa gitna ng pandemya

Community pantry in the Philippines gives hope amid pandemic

Source: Anna Patricia Non

Bayanihan ang naging inspirasyon ng pagbuo ng mga community pantry sa Pilipinas. Pero nagkaroon ng takot ang mga nagmamagandang-loob na magtayo nito dahil sa lumalaganap na red-tagging.


"Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan" 

Yan ang panawagan na pumukaw sa maraming mamamayan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. 

Hindi man bago ang konsepto ng Community Pantry, pero nagkakaroon ito ng mas malalim na kabuluhan para sa mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya. Nangingibabaw ang pagtulong at pagbibigay sa kapwa sa panahon ng pangangailangan. 

Si Ana Patricia Non na nagsimula ng community pantry sa Maginhawa, nagulat sa lawak at bilis ng pagkilos ng mga komunidad para tumulong.

Ngayon, sumunod na rin sa paglalagay ng community pantry ang iba't ibang Barangay, bayan at mga syudad mula Luzon, Visayas at Mindanao. 

Sari-saring gulay, canned goods, noodles, bigas at mga pagkain na madaling lutuin ang karaniwang dinadala ng mga nagdodonate. Malaking tulong ito lalo na para sa mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa magkakasunod na lockdown. 

Pero ikinagulat ng mga volunteers at nagmamagandang loob ang pagpapatigil sa ipinapatayong community pantry dahil sa Red-Tagging.

Sa post ni Ana Patricia Non, hindi nila maipamahagi ang mga inihandang pagkain.

"Hindi magandang balita. Bukas po pause po muna ang  para sa safety po namin ng mga volunteers. Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda namin buong maghapon dahil po sa  na nagaganap.

Magbigat sa pakirandam ko kasi maganda po ang intentions ko noong binuo ko ang  at ilang araw na din po na napakaraming pinagsisilbihan nito at ganun din po ang tulong na dumadating. Sigurado po maraming tao po ang pipila sa amin bukas pero kailangan po muna nila maghintay sa susunod na araw bago po ito maipamahagi. Lalo na po at nagkaproblema kanina ang ibang Community Pantry sa mga kapulisan."

Humingi na rin sya ng tulong kay Quezon City mayor Joy Belmonte, dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan. 

Nauna nang sinabi ng ilang senador na bagama't masayang makita ang bayanihan sa pamamagitan ng community pantry, isa umano itong senyales ng kapalpakan ng pamahalaan na magbigay ng ayuda sa pandemya. 

Para kay Sen. Panfilo Lacson, "desperado" na ang taumbayan, habang "wake up call" naman ang tingin dito ni Sen. Grace Poe. 

Aminado naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na naging mabagal ang pamimigay nila ng ayuda sa mga mamamayan. 

 


Share