Bilang ng nagpapatayo at nagpa-renovate ng bahay sa Australia patuloy ang pagtaas, presyo ng construction materials naapektuhan din

Housing and Construction

SYDNEY, AUSTRALIA - NOVEMBER 13: Aerial view of construction work and housing in Western Sydney on November 13, 2017 in Sydney, Australia. Source: Corbis News

Dahil sa mababang interest rates at Home Builder grant, mas dumami ang bilang ng nagpapatayo ng bahay. At dahil dito, supply ng construction materials nagkukulang kaya ang presyo nito higit kalahati ang itinaas.


Nag-rerenovate ng bahay sa kanyang kliyente sa may kanlurang bahagi ng Sydney ang builder na si Jonathan Hayes.  kahoy, pero tatlong linggo na silang naghintay bago dumating ang kanilang inoorder. 

"Masyadong busy, mahirap maghanap ng supplier ng materials. Isa din sa problema ang kulang sa mga magtatrabaho," sabi ni Hayes.


Higlights

  • NSW at ACT ay tumaas ng 3.6 % ang construction industy, habang ang South Australia at Western Australia ang nakapagtala ng mas malaking pagtaas sa loob ng higit tatlong taon  nang higit 9%.
  • Ayon sa isang Economist na si Shane Oliver , ang  paglago ng construction industry ay sadyang nakakatulong para sa pagbalik ng sigla ng ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemya.
  •  Kahit sa mas maunlad na takbo ng construction industry ng bansa naniniwala ang building industry na , aabot pa sa susunod na mga taon bago babalik sa normal ang presyo ng  supply sa construction, dahil sa taas ng demand.

Aminado din ang  supplier  ng building materials  mula sa Blacktown na si Philipp Screpis, pahirapan sila kung umorder ng kahoy, at ayon sa kanya, halos walang dumarating.

"Ang dami ng customers, tapos wala na kaming supply, sayang wala na kaming supply na maibibigay sa mga customer," kwento pa ni Screpis.

Maliban sa kulang kulang ang supply, higit 50 percent din ang paglobo ng presyo ng kahoy. Kaya pinapasa na lang din ng mga builder ang gastos sa mga kliyente nila dahil sa sobrang mahal ng presyo nito.

Kaya ang  builder na kagaya ni Jonathan Hayes, ang papasan sa gastos  sa kasalukuyang  proyekto na kanilang ginagawa pero sa susunod na mga kontrata ay magpapatong na sila  ng presyo sa kanilang mga customer.

Sa ngayon, maraming gusali ang pinapatayo sa Australia, nagkakahalaga ito ng ilang milyong dolyar. Sa pinakabagong datos, ang gastos sa pagpaparenovate ay tumataas ng halos 11% nitong  first quarter sa Marso na umabot hanggang $2.84 bilyon. Kasabay din dito ang pagsulpot ng construction industry sa lahat ng estado at teritoryo dito sa bansa. 

Dagdag ni Oliver bunga itong lahat sa  $25,000  na Home builder grant  habang ang aabot lang sa .1% interest rate.

"Dahil hindi nakapagbakasyon ang mga Australians sa ibang bansa, mayroon silang extra cash, para sa renovation at kaya pagpapatayo ng bahay. Mahal ang construction materials dahil sa taas ng demand. Pero umaasa ako na baka sa loob ng 6-12 na buwan , babalik na ito dahil mahal ang presyo, kaya babalik sigurado ito sa normal."

 

 

 

 

 


Share