Ika-123 taon ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Australia

Philippine Independence Day

Flag-raising ceremony at the Philippine Consul General's House in Sydney. Source: Philippine Consulate in Sydney

Malayo man sa sintang bayan, patuloy ang mga Pinoy sa Australia sa pagwagayway ng bandilang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-123 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.


Highlights
  • Ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang ika-123 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.
  • Iniaalay ang buong buwan ng Hunyo para sa mga selebrasyon ng kalayaan.
  • Naka-sentro ang pagdiriwang sa pagbibigay-pugay sa lahat ng mga bayani at mga bagong bayaning Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Masayang pinangunahan ng mga tauhan at opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Australia, pati na rin ng iba't ibang Konsulado ng Pilipinas sa bawat estado ang mga pagdiriwang sa buong bansa.

May tema na "Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan", layuning gunitain ang mga pagsasakripisyo ng mga nagsilbi at patuloy na nagsisilbi para sa Inang-Bayan.


 

 

Philippine Independence Day
The Philippine Embassy in Canberra led by Ambassador Ma Hellen De La Vega officially starts the event with the raising of the Philippine flag. Source: Philippine Embassy in Australia


 

BASAHIN DIN/PAKINGGAN



Share