Mga sanhi ng stroke at paano ito maiiwasan

Stroke

Female physical therapist helps a senior man walk following a stroke. The man is using parallel bars in a rehab center. Source: Getty Images/SDI Productions

Ang Stroke ay isa sa mga pinakamalaking dahilan ng pagkamatay sa Australia at isang nangungunang sanhi ng kapansanan. Sa Pilipinas, ito ang pangalawang nangungunang sanhi ng kamatayan. Ngunit paano malalaman kung ikaw ay dumaranas ng stroke at paano mo ito maagapan?


Mahalagang malaman ang mga sintomas ng stroke upang ito ay maagapan. 

Nkaapanayam namin ang ilang eksperto mula sa Pilipinas na sina Kristian Norman Divina, Daniel Felix Generao at Rachelle Ann Pua at ibinahagi nila ang kanilang kaalaman tungkol sa stroke at kung ano ang dapat tandaan kapag sumasailalim sa rehabilitasyon sa stroke o therapy.

Ano ang mga sanhi ng stroke?

Ang dalawang pangunahing sanhi ng stroke ay:

1. Ischemic stroke 

Nangyayari kapag naharang o nasarhan ang isang arterya na binabawasan o nililimitahan ang daloy ng dugo papunta sa utak.

2. Hemorrhagic stroke 

Ito ay kapag ang isang daluyan ng dugo sa utak ay pumutok o napatid. Ang isa sa mga pangunahing kadahilanan para sa hemorrhagic stroke ay ang hypertension.

Hypertension

Sa pagtukoy ng , ang isang tao ay mayroong hypertension (mataas na presyon ng dugo) kapag ang:

  • antas ng presyon ng kanilang dugo (blood pressure) ay mas mataas o katumbas ng 140/90 mmHg (millimetres of mercury mmHg)
Gayunpaman, kapag ang inyong blood pressure ay nasa pagitan ng 120 hanggang 139 mmHg / 80 hanggang 89 mmHg, ikaw ay nakakaranas ng prehypertension, na kapag hindi pinansin ay maaaring humantong sa hypertension. Inirerekomenda ang isang regular na pag-papatingin sa doktor.
Ang hypertension ay itinuturing bilang isang "silent killer" dahil hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon ng hypertension. Karaniwan wala itong mga sintomas. Maaaring makaranas ka ng hypertension kapag labis kang pagod o sobrang init.
Ibang mga panganib na maaring sanhi ng stroke:

  • high blood pressure
  • paninigarilyo
  • matinding pag-iinom ng alak
  • trauma (biglaang pinsala sa ulo)
  • diyabetis
  • hindi malusog na pamumuhay
  • kakulangan ng regular na ehersisyo
 

Mga rekomendasyon upang maiwasan ang stroke

  • Panatilihin ang isang malusog na pamumuhay
  • Pagbabago ng diyeta. Kung posible panatilihin ang diyeta na walang kolesterol at iwasan ang matatabang pagkain.
  • Mag-ehersisyo. Ang 30-minutong paglalakad bawat araw ay gagawa ng kaibhan sa isang tao.
  • Regular na ipasuri ang iyong presyon ng dugo.
  • Kung nasuri na may hypertension, regular na uminom ng iyong gamot.
  • Palaging kumunsulta sa iyong doktor. 
Dahil utak ang apektado ng stroke, kinakailangan na magkaroon ng isang labis na paulit-ulit na ehersisyo. Ang therapy sa stroke ay nakasalalay sa kung anong kalagayan ng bawat isang tao na nagkaroon ng stroke at sa kung aling bahagi ng katawan - maaari itong maging mga braso, kamay, binti, mukha o iba pang mga bahagi ng katawan - ang naapektuhan.

Ang nakabase sa Sydney na PhD Student sa Physiotherapy na si Esminio Rivera II ay nagsasagawa ng pag-aaral sa rehabilitasyon ng stroke kasama ang paggamit ng arm robotics, at itinuro niya na tandaan ang acronym na FAST (face dropping, arm weakness, slurred speech or speech difficulty and time to call for help) upang bantayan ang mga sintomas ng stroke.
Stroke
Licensed Physiotherapists (L-R) Kristian Norman Divina, Daniel Felix Generao and Rachelle Ann Pua with PhD Student in Physiotherapy Esminio Rivera II Source: SBS Filipino

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Like and follow us on Facebook for more stories


Share